
TINUPAD ni Richard Gutierrez ang promise niya kay Angel Locsin na papalitan niya ang hiniram na isang pares ng diamond earrings sa aktres. Isang expensive pair of diamond earrings din ang ibinigay ng aktor sa leading lady niya sa "The Promise" noong presscon cum celebrity premiere night ng kanilang Valentine movie.
Bale Valentine gift na rin ’yon ng aktor kay Angel. Hindi na isinauli ni Richard kay Angel ang hiniram niyang isang pares ng hikaw na suot niya during the filming ng kanilang movie hanggang sa promotion nito. Lucky charm niya raw kasi ’yon at itse-cherish niya forever, ani Richard. Hindi na rin siya kinulit ni Angel na isauli sa kanya ang hikaw at ibinigay pa niya kay Richard ang kapares nito.
Ke gimmick o hindi ang pagbibigay ni Richard ng hikaw kay Angel, deadma na lang sila sa pagdududa ng ibang tao. Ang mahalaga’y solid na solid ang kanilang special friendship. Showing today ang "The Promise" at may Valentine date sila with their fans sa Glorietta mamaya at 6 p.m.
No comments:
Post a Comment